Thursday, August 21, 2014

Wika ng Pagkakaisa


“Filipino: Wika Ng Pagkakaisa”  ito ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon.

Ang temang ito ay nagpapahayag na tayo ay magkakaisa kung tayo ay gagamit ng iisang wika dahil kapag tayo ay gumamit ng iisang wika tayo ay magkakaintindihan. Kaya nating pagsama-samahin ang ating mga ideya kung tayo ay nagtatalakayan tungkol sa isang bagay.

Hindi lang ang pagkakaintindihan ang dulot ng paggamit ng iisang wika, ito rin ay magdudulot ng kapayapaan. Dahil nga sa paggamit natin ng iisang wika, tiyak tayo ay magkakaintindihan at tayo ay hindi magkakagulo, maiintindihan natin ang bawat isa.

Napakalaking tulong ang iisang wika sa atin, kaya’t dapat nating sanaying magsalita ng pambansa nating wika upang tayo hindi mapang iwanan.

1 comment:

  1. OMG! I'm a big fan of yours when it comes to Essays! Good Job!God Bless!

    ReplyDelete